December 13th, 2004

YIM - ypager problem.

YPAGER caused an invalid page fault in
module at 0000:006f004c.
Registers:
EAX=006b0824 CS=0177 EIP=006f004c EFLGS=00010202
EBX=00000000 SS=017f ESP=008dfa20 EBP=008dfa50
ECX=01b781e0 DS=017f ESI=00000000 FS=19cf
EDX=81e19062 ES=017f EDI=00a01b80 GS=0000
Bytes at CS:EIP:

Stack dump:
0059acba 006b0824 006b1194 00000000 00a01b30 00000000 006b1194 006b04e8 006b113c 008dfaf4 00601b88 00000001 008dfa68 0059b01d 00000001 00000000

---

computer experts? anyone?
Posted by dillian at 10:39 PM | 3 ang nabulag

December 8th, 2004

>.

kasalakuyang nalulunod ng spyware at virus ang aking computer. kaya pansamantalang titigil muna ako sa pag-uupdate.






ay ang saya ng pasko.
Posted by dillian at 09:52 AM | tingin ka diyan

November 18th, 2004

mga tanong

*pagpasensyahan nyo na ang maganda kong title*


kahit na may journal na ako, tila ba di ko parin mailabas lahat ng nilalaman ng kalooban ko. nahihirapan akong i-express ang mga bagay bagay sa aking isipan. o sadya bang malihim lang akong tao. di ko alam. minsan nahihirapan din akong kilalanin ang sarili ko. para bang may mga bagay na dapat alam ko na, pero di ko parin makuha.



ang pangit ng intro.. pero hayaan niyo na.

---

minsan iniisip ko.. bakit may ibang tao na di nakukuntento sa bagay na meron sila, samantalang ang iba ay isinasakripisyo ang sariling kaligayahan. bakit may ibang tao na puro bunganga lang ang gumagana panay reklamo nalang sa bawat munting pagkakamali at bakit ang iba naman ay nagtatyaga nalang silang pakinggan at mas gusto pang manahimik sa gitna ng kaguluhan.

ang mga magulang, nakatatanda, ay dapat na gumagabay sa ating kabataan. pero bakit pati sila ay tila ba manhid din sa kalagayan natin? bakit di nila kayang intindihin ang mga bagay bagay na dapat sila ang mas lubos na nakakaalam.

Puro nalang sila sermon. At kung may idadahilan ka, ikaw pa ang mali. (kahit tama ka) Oo, masama ang sumasagot sa magulang, pero masama din yung di ka pinakikinggan.

Minsan itatanong mo sa iyong sarili kung kilala ka ba ng magulang mo. Minsan masakit isipin na hindi. Dahil halos sa buong buhay na itinanda mo puro sila lang ang nagsasalita at nagpapangaral. Na kung iisipin mo ay di narin nababagay sa ngayon. Bakit nila kailangang ihambing ang disiplina at pamamaraan noong panahon nila sa panahon natin? Maraming kulang sa panahon nila at maraming bago sa panahon natin. Sa katunayang di magtutugma ang kalagayan ng dalawang henerasyon.

Dapat kasabay na natututo ang mga nakatatanda sa pagbabago ng lipunan. Ang mga kabataan ngayon ay mas higit na matatalino at mas maraming pinagkakaabalahan. Sa tingin kaya nila uubra pa ang mga katagang "Papunta ka pa lang, pabalik na ako?"

ewan ko lang ha.
Posted by dillian at 10:05 AM | 1 ang nabulag

November 17th, 2004

matagal na....

.. akong di nakakapag-update.

UPDATE!



yan tapos na. uwi na tayo.
Posted by dillian at 02:42 PM | 2 ang nabulag

November 7th, 2004

kung...

... kailan pa naman natutuwa na ako sa buhay, eh bigla namang matatapos ang bakasyon?

panibagong hamon na naman para sa akin ngayong sem at hinihiling ko lang na hindi sana nag-close yung slot para sa nstp..... mag-te-third year na ako... waaaaaah..... ayokong kunin yan next year!! T_T
Posted by dillian at 05:42 PM | 2 ang nabulag

October 26th, 2004

tsarap

papampam lang.

Posted by dillian at 12:17 AM | tingin ka diyan

October 25th, 2004

random thoughts

wala namang taong bobo....

tamad lang....

hindi yun eh....

wala rin namang taong tamad...

di lang niya gustong gawin...

kung gusto mo naman, manyayari yun diba?

ayaw mo lang.

---

bakit mo ginawa?

kasi feel ko lang. lalang

hindi yun wala lang... feel mo nga eh

kasi dapat iniisip mo yung feeling ng tao para maintindihan mo.

it's the feeling that matters

---

Instant message mo ako tapos wala ka namang sasabihin. Haller??!!
Posted by dillian at 11:30 AM | tingin ka diyan

October 23rd, 2004

Masaya ako... walang kokontra.

thank you Lord. (10x)

Posted by dillian at 08:28 AM | 3 ang nabulag

October 19th, 2004

aaaaaaghhhhhhh... malasss

ano ang pinakamatinding kasalanan na maaari mong magawa kapag alam mong may Physics exam?

para sa kurso ko na ang major ay math................

walang iba kundi ang makalimutan ang iyong SCIENTIFIC CALCULATOR!



at iyon ang nangyari sa akin.

napilitan tuloy akong hiramin yung calculator ng professor ko.

sobrang hiya ko talaga.............................. >.>


at kapag Discrete Math ang exam... analysis ang kailangan.... pero kung may migraine ka....

eh ewan ko lang....


grabeh na ito.
Posted by dillian at 10:20 PM | 5 ang nabulag
« | »