Ang Mga Tao sa Media
Mahilig akong manood ng tv tulad ng karamihan sa ating mga
Pinoy. Ang panonood ng tv ang ating nagiging libangan tuwing tayo’y pagod at
walang magawa. Maliban sa ating mga magulang at guro ito ay isa sa mga
pinakamalakas ng impluwensya at isa sa mga humuhubog sa ating isipan, aminin
man natin o hindi. Naalala ko pa ng kabataan ko mahilig ako manood ng Batibot,
Sineskuwela,
Sa ngayon, masasabi kong napakalaki ng pagkakaiba. Naging malaking issue ang rating. Naging magimik ang mga network sa paghahatid ng kanilang mga palabas. Gagawa ng kuwento, gagawa ng bagay na kapansin pansin kahit di kaaya aya. Sabi nga nila any bad publicity is still publicity.
Pero ito ay
Hindi ako preacher. Hindi rin naman taga CBCP. Hindi rin taga MTRCB. Pero bakit ko sinasabi ito.
Unang una, ang paghahatid ng mga bagay na makakaimpluwensya sa kabataan ay dapat na ginagawa na may halong pag iingat at responsibilidad. Anumang bagay na papasok sa kanilang isipan ay maaring humubog sa kanila paglaki. Sa ngayon hindi maganda na ang maging pangarap ng kabataan ay gayahin ang ginagawa ng mga taong napapanood nila. Kailangan bang pangarapin ng kababaihan ang malagay sa front cover ng men’s magazine? Maganda bang gayahin ang papalit palit ng asawa? Maganda bang gamitin ang kung sinu sinong tao para sumikat? Magiging sabik ka rin ba sa kapangyarihan para yumaman? Hindi mo ba kayang itago ang pagkabalahura mo sa harap ng camera? Kailangan bang malaman namin ang baho mo at ng ibang tao? Ang makipagbastusan sa harap ng camera? Ang iparinig sa lahat ng kalandian mo? Ang lantarang pagsisinungaling? Ang kayabangan mo?
Ang sabi nila ito ang realidad. Ang napakasakit na realidad na ang mga taong napapanood mo sa tv ay walang pakundangan na binabalot ang sarili sa putik at hindi man lang marunong maghugas. Parang mga politiko na walang ginawa kundi gumawa ng kabalbalan. At ito mga kaibigan ang pinanonood ng kabataan.
Ginagawa nyo ba ito para lang sa pera? Para sa sarili nyo? Para sa ibang tao? Para sa pride nyo?
Alam kong hindi maiiwasan ang ganitong uri ng tao sa media. Pero ang pagtangkilik sa kanila ay sadyang nakakabahala.
Hindi kayo nakakatulong sa imahe ng bansa na sobrang dungis na bababuyin niyo pa.

