Mahilig akong manood ng tv tulad ng karamihan sa ating mga Pinoy. Ang panonood ng tv ang ating nagiging libangan tuwing tayo’y pagod at walang magawa. Maliban sa ating mga magulang at guro ito ay isa sa mga pinakamalakas ng impluwensya at isa sa mga humuhubog sa ating isipan, aminin man natin o hindi. Naalala ko pa ng kabataan ko mahilig ako manood ng Batibot, Sineskuwela, Sesame Street, 5 and Up at iba pang kid oriented shows. Mababaw lang naman ang kaligayahan ng kabataan noon at karamihan ng palabas ay kapupulutan ng aral kahit ang mga local na drama ng Flor de Luna at Mara Clara. Hindi rin mabubuo ito kundi dahil sa mga taong nagtrabaho para ma-iere ang mga palabas na ito.

 

Sa ngayon, masasabi kong napakalaki ng pagkakaiba. Naging malaking issue ang rating. Naging magimik ang mga network sa paghahatid ng kanilang mga palabas. Gagawa ng kuwento, gagawa ng bagay na kapansin pansin kahit di kaaya aya. Sabi nga nila any bad publicity is still publicity.

 

Pero ito ay mali.

 

Hindi ako preacher. Hindi rin naman taga CBCP. Hindi rin taga MTRCB. Pero bakit ko sinasabi ito.

 

Unang una, ang paghahatid ng mga bagay na makakaimpluwensya sa kabataan ay dapat na ginagawa na may halong pag iingat at responsibilidad. Anumang bagay na papasok sa kanilang isipan ay maaring humubog sa kanila paglaki. Sa ngayon hindi maganda na ang maging pangarap ng kabataan ay gayahin ang ginagawa ng mga taong napapanood nila. Kailangan bang pangarapin ng kababaihan ang malagay sa front cover ng men’s magazine? Maganda bang gayahin ang papalit palit ng asawa? Maganda bang gamitin ang kung sinu sinong tao para sumikat? Magiging sabik ka rin ba sa kapangyarihan para yumaman? Hindi mo ba kayang itago ang pagkabalahura mo sa harap ng camera?  Kailangan bang malaman namin ang baho mo at ng ibang tao? Ang makipagbastusan sa harap ng camera? Ang iparinig sa lahat ng kalandian mo? Ang lantarang pagsisinungaling? Ang kayabangan mo?

 

Ang sabi nila ito ang realidad. Ang napakasakit na realidad na ang mga taong napapanood mo sa tv ay walang pakundangan na binabalot ang sarili sa putik at hindi man lang marunong maghugas. Parang mga politiko na walang ginawa kundi gumawa ng kabalbalan. At ito mga kaibigan ang pinanonood ng kabataan.

 

Ginagawa nyo ba ito para lang sa pera? Para sa sarili nyo? Para sa ibang tao? Para sa pride nyo? 

 

Alam kong hindi maiiwasan ang ganitong uri ng tao sa media. Pero ang pagtangkilik sa kanila ay sadyang nakakabahala.

 

Hindi kayo nakakatulong sa imahe ng bansa na sobrang dungis na bababuyin niyo pa.

Posted by dillian on August 23, 2009 at 10:49 AM | 1 ang nabulag

Halos araw-araw sumasakay ako ng LRT papunta sa aking trabaho. Sa halagang P15 ( o kaya ay P12 ) napapabilis nito ang iyong paglalakbay ng higit sa pagsakay mo sa jeep at bus.

 

Kung ikaw ay isa sa mga suki ng LRT marahil ay alam mo na ang makipagsiksikan sa karamihan tuwing umaga. Makipagtulakan sa mga nagmamadaling makapasok. Hindi puwede ang lalamya lamya at kulang sa vitamins kundi ikaw ang kawawa at madadapa. Naalala ko pa ang isang mama na napasubsob sa bukana ng pintuan ng LRT. Wala man lang tumulong. Kawawa talaga.

 

Kailangan din ang maging listo lalo na pag kumpulan ng tao. Andyan ang mga makukulit ang mga kamay. Tanda ko pa ang pagrereklamo ng isang dalaga ng kapkapin nya ang bulsa at wala na ang kanyang cell phone.

 

Alam din siguro natin na may hiwalay na lane ang kababaihan, bata, disabled at matatanda sa unang train car. Ito ay maganda dahil maiiwasan na ang pagka ipit ng mga walang kalaban laban na senior citizen, buntis at mga may kapansanan. Maiiwasan din ang mga pambabastos ng ilan sa mga kababaihan.

 

Hindi ko lalahatin pero ang minsang pagsakay ko sa lane na iyon ay meron din palang di kaaya-ayang epekto. Unang una, doon napapadpad ang mga maaarteng pasahero na ayaw masagi or maapakan. Tanda ko pa na minsang merong nagmurahan dahil lamang siya ay di sinasadyang apakan ng isang teenager.

 

Hindi man natin makontrol ang pasensya ng ilan pero dapat pa rin tayong mag ingat.

 

Pangalawa, mas maliit ang tsansa mong makaupo dahil walang gentleman dun na magbibigay sa iyo ng upuan. Kaya kahit na mukha kang prinsesa at magpacute at magpa-awa effect walang magpapaupo sa iyo. Ang solusyon dyan ay pumunta sa mixed train pero siguraduhin lang na maganda ka talaga para mapansin ka. Kasi karamihan sa mga lalaki ay hindi na nagpapaupo at wala ng keber sa iyo lalo na at hindi ka nila feel. Ang ilan dyan titingnan ka lang o kaya ay tutulugan.

 

Pangatlo, mas masasaktan ka sa pagpasok sa loob dahil sa puro babae kayo wala na pakialam kung masagi ka dahil isip nyong lahat ay patas na lang ang laban. Nawawala rin ang ating pagiging mahinhin sa di malamang dahilan. Ang akin lamang payo kung ikaw ay suki sa lane na ito ay palakasin ang iyong resistensya, mag exercise at magvitamins.

 

Pang-apat, laging puno. May oras na hindi pero madalas ay puno ang unang train car. Mahirap sumakay. Ang solusyon, subukang sumakay sa likuran ng tren at ang bandang gitna na hindi malapit sa daanan ng tao palabas.

 

At pang lima, maingay. Ang tren ay ilan sa mga lugar kung saan nakakapagpahinga tayo kahit na mamanhid ang paa natin sa pagbabalanse habang nakatayo. Kaya lamang hindi maaalis sa ating kababaihan ang maging madaldal. At dahil lane din ito ng mga bata, madalas may magugulo, iyakin at pasaway na bulinggits sa loob. Para maiwasan ang frustration magbaon mahabang pasensya at earplug.

 

Aamin ko hindi ako suki ng women’s lane. Mas minabuti kong makihalo sa mixed train. Dahil unang una, kaya ko pa namang makipagsabayan sa mga lalaki at isa pa lumalabas ang pagkamaginoo ng ilan pag may nakahalong babae sa mixed train. Hindi ko lubos maisip kung bakit may special privilege na mauna ang ilang babae na makaupo bago pa umikot ang LRT sa Monumento. Dapat sa mga matatanda, disabled at buntis lang yon. Ang lagay kasi nyan wala na maupuan pag ikot. Pare pareho naman tayo nagbabayad ng ticket at tsaka mas malakas tumulak ang ilang babae sa tren. Naranasan ko na halos lumipad ako palabas sa istasyon ng Carriedo.

 

Hindi ko talaga makalimutan yon. U_U

Posted by dillian on August 11, 2009 at 10:20 PM | tingin ka diyan

Karamihan sa atin ay may cell phone at karamihan sa atin ay nakakaranas ng iba’t ibang problema pagdating sa ating mga subscribing networks. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang kadalasang “modus” ng isa sa mga network na ito ay ang pagpapadala ng mga ring tone na di naman natin kailangan, ang biglaang pagkawala ng load ng hindi natin namamalayan, ang mabilisang pagkaltas ng piso kada minuto habang tumatawag at marami pang ibang uri ng panlilinlang sa mga konsumer.

 

Hindi man tayo pinanganak na abogado ay alam nating isang uri ito ng pagnanakaw. Ako man ay nabuwisit sa sa paggamit ng network na ito na bagamat mabilis ang serbisyo ay mabilis din ang pag-ubos sa load mo. Palagi akong nagloload ng bente bente para lang hindi ma-expire ang sim card ko. Kung ako lang ang tatanungin madalas ay sa emergency lang ginagamit ang mga ito at paminsan minsan lang sa pagsesend ng quotes, greetings at jokes. Kaya hindi mo rin masisi ang ilan lalo na sa mga mahilig mag text ang lumipat sa ibang mas murang network kahit pa medyo palyado o choppy ang dating.

 

Pinanindigan nila ang pangalan ng kanilang kumpanya na “matalino”.  Bilang isang taong nag-iisip papayag ka ba na mautakan ng mga magnanakaw na ito?

 

Nasa sa iyo yan kaibigan.

 

Pinalitan ko ng ibang network na may kulay asul na logo. Bagamat mahina ito sa tag ulan minsan ay may libre pang load. Naibabalik pa nito ang nawala sa akin.

 

Hindi po ako endorser.

 

Ito lang po ang aking napansin.

Posted by dillian on July 15, 2009 at 10:57 PM | tingin ka diyan

Lumipas ang dalawang taon di ko man lamang napansin na napabayaan ko ang journal na ito. Kung hindi dahil sa maka-ilang e-mail alert di ko rin mabubuksan uli. Sinabi ko pa man din sa huling entry ko rito na ako ay nagbabalik. Pero sadyang kabaliktaran ata at biglang nalimot.

 

(Karamihan ng napapadala sa aking e-mail alert ay puro spam kaya naisip kong natdtad na ng sandamakmak na virus ang website na ito.)

 

Siguro marahil ay naging maganda ang lumipas na dalawang taon dahil marami akong pinagkakaabalahan at hindi nauubos ang oras ko sa pagkakana ng mga journal na wala namang nagbabasa.

  

Sa ngayon nagtatrabaho na ako. Isa ako sa ilan na pinalad na magkaroon. Hindi man linya ng pinag-aralan ko ay nagpapasalamat na rin at mayroon akong ginagawa para mabuhay. Hindi na uso ang maging choosy ngayon. Sabi nga nila habang bata ay mag ipon ng experience.

 

Pumasok na rin sa isip ko ang lumayas na sa bahay. Iyon ay sa mabuting dahilan hindi dahil may hidwaan sa loob ng pamamahay. Hindi habambuhay ay nakasandal sa poder ng iyong mga magulang at umasa sa kanila. Maganda ang sama sama pero mas maganda ang paunlarin ang sarili at ang hindi parati naghihintay ng grasya.

 

Hmm.

 

Teka… bakit ba nag u-update ako uli….

Currently feeling: nalilito
Posted by dillian on July 13, 2009 at 08:43 PM | tingin ka diyan

Hay.. andaming nagbalik sa alaala habang binabasa ko yung mga nagdaang entries. Matagal tagal na rin….

Year 2005 pa ang huli. (leche kasi, daming leche talaga sa buhay ko.) S

a ngayon iniisip ko na buhayin muli ang account na ito. Kaya eto na naman po ang inyong abang lingkod. Manggugulo na naman sa tahimik ninyong buhay.

Sa kasalukuyan nais kong gawing tagalog only (o kahit konting taglish) ang mga ipopost ko dito. Kahit di ko ganon kamahal ang aking bansa, mahal ko pa rin ang aking wika. At siguro kada linggo (sana) ay makapaghatid ako ng mga makabuluhang bagay na maiisip ninyo kahit natutulog, kumakain, tumatae o kaya kahit nanonood ng porn sa web.

---

Sa ngayon laman ng balita ang pagkaconvict ni Erap sa plunder. Maraming bumatikos sa naging hatol. Andyan din ang isyu tungkol sa pagbabati nina Jinggoy at JV. Pero kung ako tatanungin mas maganda pa rin ang bagong commercial ng Biolink. (the best.)

Natatatawa rin ako sa mga nagkalat na video sa youtube na nagtanggol kay Britney Spears. Karamihan dito ay pinamagatan na “Leave Britney Alone.” (ayoko ng maglink o mag embed.. kayo na lang maghanap) Natunghayan ko ang pag-iyak ng isang fan dahil sa mga nanglait kay Spears mula sa pagtanghal niya sa MTV awards. Hindi ko napanood ang naturang pagtatanghal kaya wala akong komento ukol dito. Ang akin lang… ang OA ng mga fans niya.

(Pero wala pa ring tatalo sa ka-OA-yan ng mga fans sa Pinas.)

Eto pa. Ang hazing. Marami ang namamatay sa hazing. Ito ang madalas na nagiging initiation ng ilang fraternity para mapasok ka sa fraternity / sorority. Siguro naman kahit sino alam na ganito ang dadaanan nila pag sumali ka sa ganitong klase ng samahan. Ang dahilan lang naman para di ka makapasa ay kung nadedo ka sa dami ng tama. Kaya kung di ka tigasin at alam mong di mo kakayanin ang rites. Mag community service ka na lang, o kaya magtanim sa La Mesa watershed, sumali sa choir ng parokya, o kaya magvolunteer ka for a good cause, at least yung pagod, hirap at enerhiya na dadanasin mo sa hazing napunta pa sa kabutihan.

Pero sino naman ako para husgahan ang mga frat? Unang una di ako kasali sa anumang frat kaya wala rin ako masyadong alam. Pangalawa, alam kong hindi lahat ng frat may hazing. Pangatlo, sisihin niyo yung dumudungis sa dangal at diwa ng tunay na fraternity. Pang-apat, tanggalin niyo na kasi yung hazing, tumakbo na lang kayo ng hubad. Masaya pa.

---

 

Currently listening to: stupid - sarah mclachlan
Currently watching: claymore
Currently feeling: high
Posted by dillian on September 14, 2007 at 03:08 AM | 1 ang nabulag

It is dangerous to be right when the government is wrong. - Voltaire

Posted by dillian on June 13, 2005 at 10:02 PM | tingin ka diyan

yun lang.

 

waaaaaaaaaaaaaaah.

Posted by dillian on May 8, 2005 at 03:11 AM | tingin ka diyan
Hana no Paris (Flowery Paris)
Vocals: Kojima Sachiko & Kanai Mika
(source: animelyrics.com)




Ikusen no yoru to ikuman no uta ni
Kazararete dare mo ga koisuru machi
Kono machi ni kitara dare mo ga subete wo
Wasurete utau yo PARIS PARIS PARIS
With a thousand nights and a hundred songs
This is a decorated city which everyone loves
If you come to this city, one will forget
Everything they know and will sing Paris, Paris, Paris


Yoru wa suteki na koi
Futari no jikaan
Uta wa mahou no koi
Koko de wa subete ga koi
There is splendid love at night
A time for the two of us
The song is magical love
Here, everything is love


* PARIS hana saki PARIS hana chiru
Aah koko ga PARIS PARIS
* Paris, flowers are blooming Paris, flowers are wilting
Aah, this is Paris, Paris


Otoko mo onna mo minna ihoujin
Samishisa wo nakishimeru koi no machi
Donna kotoba demo subete uta to nari
Koi no hana ga saku PARIS PARIS PARIS
Everyone is a stranger, whether they are boy or girl
This is a city that abandons sadness and grief
Any saying will turn into a song
Love's flower will bloom, Paris, Paris, Paris


Yoru wa hikari afure
Futari wo terasu
Uta wa kokoro urashi
Atarashii koi wo umu
Light overflows at night
It shines upon the two of us
Night encompasses the heart
A new passion is born


* kurikaeshi
* repeat

Yoru wa suteki na koi
Futari no jikaan
Uta wa mahou no koi
Koko de wa subete ga koi
There is splendid love at night
A time for the two of us
The song is magical love
Here, everything is love


* kurikaeshi 2xs
* repeat 2 xs

---

don't ever think of that koreanovela. X)


Posted by dillian on February 12, 2005 at 11:29 PM | 2 ang nabulag
eto kumakain ng chocnut.....



oh shet natapon sa keyboard!!!
Currently listening to: Seraph - Malice Mizer
Currently reading: Dictionary
Currently feeling: hungry
Posted by dillian on February 4, 2005 at 09:13 PM | 1 ang nabulag
« Newer · »